Tuesday, August 15
Y
who i am hates who i've been
nabasa ko ang blog ng isang kaibigang malapit sa akin. namamangha ako sa tapang na ipinamalas niya para isambulat ang isang katotohanang maaaring nakakahiyang aminin. bilib ako. e-libs to the nth level, kasi di ko kayang gawin yun.
madami akong pagsisising pilit na tinatago pero iniisip kong wag ng alalahanin pa dahil wala na rin naman magagawa. isa lang ang natutunan ko sa buhay, minsan di kailangan si utak para mag-isip (maliwanag ba?)
hindi ako madaldal kung sa madaldal dahil pinipili ko ang mga taong binibigyan ko ng tiwala. uto-uto kasi ako mula pagkabata at sa nakasanayan kong ugaling ganoon...madalas lagi akong niloloko. pihikan ako pagdating sa kaibigan at hindi ako nagkukuwento kaagad ng kung ano nga ba ang buhay ko. kaunti lang ang nasasabihan ko ng buhay-buhay. sabi nga ng ex-lab partner at co-major ko "jaki, bat di ka nagkukuwento ng tungkol sayo?". haha. matagal ko na siyang kakilala, almost 2 years...kaklase sa major subjects at syempre friend ko na din...pero di ko lubos maisip na hindi pala ako nagkukuwento ng personal life puro acads and jokes lang ang napag-uusapan namin.
ewan. mahirap kasing magtiwala. ayoko na. (ulit) maloko... kasi kapag natunaw na ito at na-deform di na kayang pang ibalik sa dati pang anyo. parang bang tsokolate.
ok...tama na si drama.
screenwriting an apology @ 12:10 AM
x x x