Wednesday, August 23 Y
Ang blogging bilang kulturang popular.
i made this looong ang winding post because it seems that all my other posts are insensible. this is actually a midterm exam which was a take-home exam. mind you, it isnt an easy one. i think we shouldnt have agreed to accept it from out popular culture professor. how can you endure making an 11-page draft (palang ha!) midterm exam?
____________________
Inaamin ko isa akong blog aficionado. Dati hindi ko pinapansin ang mga bagay na ganito pero noong nagkaroon ang Friendster ng blog tuluyan ko na itong nakahiligan. Ngunit sa paglipas ng panahon nasawa rin ako dahil limitado lamang ang pwedeng gawin sa Friendster blogs, tulad ng pag-edit ng template atbp. na magagawa mo lamang kung magbabayad ng ka ng monthly fee, kung kayat na-engganyo akong gumamit ng Blogger. Ang blog, ayon sa Website na Marketingterms.com, ay isang frequent, chronological publication of personal thoughts and Web links, a kind of hybrid diary/guide site, although there are as many unique types of blogs as there are people. Nagsimula ang blog bilang underground ngunit sa kasalukuyan tinatayang may 200,000-500,000 blogs (Slaton) na ang matatagpuan sa Web. Paano nga ba naging kulturang popular ang blogging?

Ang unang katangian ng kulturang popular na maaring maiugnay sa blogging ay ang paggamit ng teknolohiya upang ito ay maipalaganap (Tolentino 7). Alam naman natin na bago ka makapag-blog ay kinakailangan mo ng kompyuter at access sa internet: mga bagay na bunga ng teknolohiya. Ngunit paano ang napagkaitan ng mga ganitong bagay at kaalaman sa paggamit? Patunay ng isa pang katangian ng kulturang popular, ito ay nagbibigay ng distorted images of reality (Storey 3). Maaari ka lamang makapag-blog kung may kakayanan kang gawin ito. Nagbibigay rin ito ng virtual na identidad sa bawat tumatangkilik, maaari kang mag-post ng pang-araw-araw na kaganapan sa iyong buhay: isang cyber diary kung baga. Pilit kang nakikiugnay sa ibang tao, kahit ang ipinakikita mo ay hindi mismong ikaw, upang maging in. Ginagawa rin ang blogs para sa kita: maaaring ang free weblog mo ay lagyan ng main server ng advertisements mula sa ibat-ibang produkto tulad ng mga cellphones, online degrees at ang walang kamatayang free cursors o screensavers. Habang tuwang-tuwa ang mga may-ari ng most-visited o most-popular blogs dahil marami ang tumatangkilik sa kanilang blog ay ganoon din ang pagkatuwa ng mga may-ari ng free blogsite mo dahil isang itong oportunidad para sa mas malaking kita.

Saan ba nagsimula ang blog? Di nakagigitla na sa Estados Unidos ito nag-ugat. Ang Estados Unidos ay itinuturing na sentro, urban at pangunahing prodyuser ng kulturang popular. Mismo, ang sentro ang nagtataguyod ng urbanidad at kosmopolitanismo (Tolentino 9). Kung kaya kapag ikaw ay tagapangtangkilik ng bagay na mula sa sentro, ikaw daw ay in o sopistikado, hindi ka nahuhuli sa pagiging urban o may bahid ka ng kosmopolitanismo. Ito ay maiuugnay pa rin sa mapaghangad na katangian ng bawat indibidwal, dulot ng nosyon ng kulturang popular na sado-masokismo. Hindi nagkakaroon ng kapanatagan kaya’t pilit na nagpapadala sa agos ng umuusbong na kulturang popular ang mga tagapag-tangkilik. Isang halimbawa: simple lang ang simula ng iyong blog, pangkaraniwang template lamang ang gamit mo ngunit dahil nakababasa ka na rin ng ibang blog na modified ang mga lay-outs nagkakaroon ka ng paghahangad upang mapaganda pa ang sa iyo hanggang sa magbayad ka na para sa mga bagong add-ins sa iyong blog tulad ng mga calendars, shoutbox atbp. Isang pagpapahiwatig na ang iyong kasiyahan ay materialistiko at patuloy na lumalala sa lalong paghahanap at pagtuklas upang mapunan ito. Ang ganitong konsepto ang kinakasangkapan naman ng mga kapitalista para sa mas malaking kita.

Ang blogging din ay nakapgsisilbi bilang medium para sa isang kolektibong ideolohiya. Pangkaraniwan ng mag-blog-hopping upang makabasa o makipag-socialize sa kapwa bloggers mo. Sa pamamagitan nito nakabubuo ng mga cyber communities sa Web. Maaaring may grupo ng bloggers na mahilig sa aso o grupo naman ng mga aktibista na nagbibigay ng kanya-kanyang opinion sa mga field na interesante para sa kanila. Karaniwan na sa tao ang mag-isip at magbigay ng impluwensiya sa kapwa, dulot nito binigyan ng palayaw ang blogs bilang hive brain (CNN.com). Ang blog ay nagiging pugad ng isang kolektibong proseso ng pagbuo ng mga ideolohiya na nagmumula sa mga tao ng ibat ibang lahi, edad, katayuan sa buhay, taas ng pinag-aralan, trabaho atbp. Bawat isang opinyon ay maaaring mapagsama-sama tulad ng pangkaraniwang konteksto ng pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng comments o chatboxes na makikita sa mga blogs. Nagbibigay ng aktibong kaaliwan ang blog mula mismo sa mga kasali rito.

Maliwanag din na ang lumalaking komunidad ng bloggers ay isa pang patunay na ang blogging ay parte na ng kulturang popular bukod pa sa mga salik na inilahad.


Sources:


screenwriting an apology @ 1:39 PM
[2]


x x x

Sunday, August 20 Y

what's the most self-strickening thing you've ever done?
i hate myself for being a selfish piece of crap who doesn't even bother about other people's feelings.

i am cold-->as cold as one can get~ like a frozen piece of meat needed to thawed in order to be cooked delectably. i wish i could conquer my indifference to people.

i am sorry [name concealed] for my lack of empathy. sue me and i'll pay you half the volume of my body's blood.
___

the weekend is for three days. woo. yea. shit holiday, again.
it really shoots at the wrong time. this vacation would leave me with a bigger amount of sums unpaid.

i was happy though...at last i found the track yellow moon from naruto & i finally knew how to edit some pix at macromedia...


screenwriting an apology @ 12:11 AM
[2]


x x x

Tuesday, August 15 Y
who i am hates who i've been
nabasa ko ang blog ng isang kaibigang malapit sa akin. namamangha ako sa tapang na ipinamalas niya para isambulat ang isang katotohanang maaaring nakakahiyang aminin. bilib ako. e-libs to the nth level, kasi di ko kayang gawin yun.

madami akong pagsisising pilit na tinatago pero iniisip kong wag ng alalahanin pa dahil wala na rin naman magagawa. isa lang ang natutunan ko sa buhay, minsan di kailangan si utak para mag-isip (maliwanag ba?)

hindi ako madaldal kung sa madaldal dahil pinipili ko ang mga taong binibigyan ko ng tiwala. uto-uto kasi ako mula pagkabata at sa nakasanayan kong ugaling ganoon...madalas lagi akong niloloko. pihikan ako pagdating sa kaibigan at hindi ako nagkukuwento kaagad ng kung ano nga ba ang buhay ko. kaunti lang ang nasasabihan ko ng buhay-buhay. sabi nga ng ex-lab partner at co-major ko "jaki, bat di ka nagkukuwento ng tungkol sayo?". haha. matagal ko na siyang kakilala, almost 2 years...kaklase sa major subjects at syempre friend ko na din...pero di ko lubos maisip na hindi pala ako nagkukuwento ng personal life puro acads and jokes lang ang napag-uusapan namin.

ewan. mahirap kasing magtiwala. ayoko na. (ulit) maloko... kasi kapag natunaw na ito at na-deform di na kayang pang ibalik sa dati pang anyo. parang bang tsokolate.

ok...tama na si drama.


screenwriting an apology @ 12:10 AM
[0]


x x x

Thursday, August 3 Y

i'm so damn tired. i think (just thinking) i'm losing weight, coz my brother said that i really was losing weight.
i actually believed it since i am locked-and-loaded plus all my blood trickling out my head. im cramming to get all my stuff done.
i'm tired. so damn tired...and sick of this monopoly game. i wish sometime i would be the boss.


screenwriting an apology @ 11:35 PM
[0]


x x x

pambungad Y


best viewed with IE.


jak is a fish. a fish that likes to fly.

View my profile
Friendster
E-mail me

karteroY


mga hinagapY


  • changes
  • i am a spoiler
  • Summer is at its end.
  • happy haus
  • wafer
  • a new found glory
  • nothingness is an ulcer
  • so kamusta naman ang bagyo. mamaya may black-out n...
  • masaya ako ngayon. dahil champion ang team namin s...
  • life on standby
  • mga nakaraanY


  • March 2006
  • April 2006
  • May 2006
  • June 2006
  • July 2006
  • August 2006
  • September 2006
  • October 2006
  • December 2006
  • February 2007
  • May 2007
  • August 2007
  • March 2009
  • trapiko Y


    | May taong naliligaw.|
    na ang gumala dito

    mga nilalang Y


    rei + darrel + high-school + jec + iskoo + my dilapidated blog +

    + my sweetie
    + my naruto closet
    + avatar creator
    + kurt halsey artworks
    + free pc games